7M WORKERS BALIK-TRABAHO

NAKABALIK na at muling naghahanap-buhay ngayon ang nasa mahigit 7 milyong manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ito ang ibinalita ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap ng unti- unti nang pagbabalik ng komersiyo sa bansa sa kabila na nananatili pa rin ang corona virus.

Batay sa datos na iprinisinta ni Edillon, umabot na sa 8.8 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Ito aniya ay mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan.

Pagdating ng buwan ng Hulyo ay nakapagtala sila ng higit sa pitong milyong manggagawa na muling nagkatrabaho.

Idinagdag pa ng NEDA official na naniniwala silang kaya nang makapaghanap-buhay sa gitna ng kinakaharap pa ring pandemya.

Hindi naman aniya lingid sa kaalaman ng lahat kung paano makaiiwas sa sakit habang marami rin ang sumusunod sa mga kailangang health protocol. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment