PNP-AKG NAGSAGAWA NG FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT SEMINAR

NAGSAGAWA ang Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ng First Aid and Basic Life Support seminar nitong Huwebes ng umaga sa PNP-AKG Conference Room, na dinaluhan ng 18 kalahok na kinabibilangan ng 15 pulis at limang policewoman na mga miyembro nito.

Ang nasabing seminar ay inisyatibo ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, PNP-AKG director, upang mapagbuti ang kakayahan ng bawat AKG personnel sa pagtugon sa posibleng emergency situations sa police operations o sa AKG headquarters.

Ang operasyon ay kaugnay sa pagnanais ni PNP chief, Gen. Debold M. Simas na magbuo ng health monitoring station na pangungunahan ng PNP Health Service, upang magabayan ang personnel ng grupo kung paano tutugon sa tactical medical support habang isinasagawa ang anti-kidnapping at iba pang criminality operations.

Naglalayon ding itong ipatupad ang mandato ng tanggapan na i-monitor ang kapakanan at kalusugan ng bawat personnel ng PNP-AKG.

Bukod sa mga nabanggit, layunin din ng nasabing seminar sa PNP-AKG personnel, na maging force multiplier ang mga ito sa PNP health service sa pagtugon sa COVID-19 cases, at iba pang kalamidad at sitwasyon na kailangan ang tulong ng AKG, ayon sa itinalaga sa kanilang tungkulin.

325

Related posts

Leave a Comment