SUNOD-SUNOD na dagok ng trahedya ang naranasan ng ating bansa ngayong taong 2020. Kabilang dito ang pagsabog ng Bulkan Taal, pandemya dulot ng COVID-19, malakas na lindol, pagsalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol at karatig probinsiya at ang pinakahuli ay ang delubyong dulot ng bagyong Ulysses sa Luzon.
Hindi biro ang mga trahedyang ito na halos magpadapa sa mga Local Government Units (LGU)at maging ng ating National government. Ilan pa nga sa mga LGU ay humihingi na ng saklolo dahil naubos na nila ang kanilang calamity fund dahil sa pandemya.
Ngunit dahil sa huling kaganapan na dulot ng bagyong Ulysses, ay may ilang sektor na naman ang tila nagpapaapoy ng damdamin para magalit sa ating gobyerno. Katunayan ay nagtrending pa nga ang ang hashtag na “Nasaan Ang Pangulo” na sinagot naman ng isa na naman hashtag na nagviral rin na “Nasa Puso Ko Ang Pangulo.”
Nakakalungkot lamang isipin na sa tuwing nagkakaroon ng trahedya o unos ang ating bansa, ay may ilang sektor na mas inuuna ang pamumulitika sa pamamagitan ng pagbubuyo sa mamayan na magalit at siraan ang ating gobyerno imbes na palakasin ang damdamin ng pagkakaisa o pagiging nasyonalimo.
Kung sabagay, ay tila nagising na sa katotohan ang mamamayan at hindi na naniniwala sa anumang propaganda ng oposisyon at ilang pulitiko na naghahangad maging senador sa 20200 na kumakalaban sa gobyerno dahil na rin sa paglaganap ng social media na hindi katulad noong mga unang panahon na tanging ang ilang malaking istayon ng radio at telebisyon ang siyang nagpapatakbo ng kaisipan ng mga Pilipino.
Marahil ay nararapat na balikan na isipin ng bawat Pilipino ang ating kulturang “Bayanihan”. Hindi dapat lahat na i-asa lamang sa gobyerno ang pagtulong sa kapwa Pilipino sa tuwing panahon ng unos o trahedya.
Ang buong pwersa ng AKO OFW ay magsasagawa ng pagbibigay ng “relief goods” para sa higit isang libong pamilya mula sa Rodriguez-Rizal, Marikina, Tuguegarao, Isabela at Pila Laguna. Bukod sa mga delata, bigas, noodles at hygiene kit, ay magkakaloob din ng mga lutong pagkain at mga tinapay.
Ang programang ito ay sa tulong din ng mga donors na kinabibilangan ng Filipino Association of Manpower Representatives (Qatar), Cong. Kid Pena, Nald Santos, Nathan Villasis, Guia League, Lucy Sermonia, First Personnell, Rod Aquino, Lorets Paredez, Marco Tancangco,Jess Castillo, Maritess Miranda, AKOOFW Paris Chapter, Kimberly Labrador, Prdao Estella. Josephine Borja, Jezzreel Castillo, Ann Quiza,Jean Buenafe, Violeta Mata at iba pang kaibigan na tumangging magpakilala.
Ang munting programang ito ng AKOOFW ay patunay lamang na may kakayahan ang bawat Pilipino na tumulong at makiisa sa ating gobyerno upang makatulong sa mas nakararaming Pilipino.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na lamang antayin ang tulong ng gobyerno, bagkus ay tanungin din natin ang ating sarili kung ano naman ang ating maitutulong sa ating gobyerno dahil ito ang tunay na diwa ng pagiging isang tunay na Pilipino.
-oOo-
Ang AKO OFW ay patuloy na nanawagan sa sinumang may mabubuting kalooban na ibig magpa-abot ng tulong pinansiyal para maipambili ng bigas, de lata at mga noodles para sa mga taga Rizal at Cagayan Valley. Maaring magpadala sa pamamagitan ng GCASH sa telepono 0956 846 7849 na may account name na Celerino U.
399 