EX-PARAK, 1 PA TIKLO SA P544K SHABU

ARESTADO ang dalawang drug personalities, kabilang ang isang dating pulis, matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang arestadong mga suspek na si Freddielin Alayon, 37, (watch listed), former PNP member, residente sa F3 Shellhouse, Kaunlaran Village, Caloocan City, at Romely Gonzaga, 27, ng #16, Florencia St., SFDM, Quezon City.

Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap ng maraming reklamo ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) hinggil sa talamak umanong bentahan ng shabu sa Brgy. 12 at kalapit na mga barangay sa lungsod.

Sa pamamagitan ng intelligence driven operation, isinagawa ng mga operatiba ng NPD-DDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Giovanni

Hyacinth Caliao I, ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Rizal Ave. corner C3 Road, Brgy. 113 bandang alas-10:30 ng gabi.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa isang undercover police na nagpanggap na buyer kapalit ng shabu, ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 80 gramo ng shabu na tinatayang P544,000 ang halaga, buy-bust money, drug paraphernalia, cellphone at isang motorsiklo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

200

Related posts

Leave a Comment