PINAS HOT SPOT SA ONLINE CHILD ABUSE

NABABAHALA ang isang mambabatas sa Kamara sa report ng United Nation Children’s Fund (UNICEF) na nananatiling global hot spot ang Pilipinas sa online sexual abuses.

Mas ikinabahala ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang ulat na 80% o 8 sa bawat 10 kabataang Pilipino ang patuloy na nanganganib sa mga sex predator sa social media.

“Imagine, 8 out of 10 Filipino kids are at risk of online sexual abuse as reported by UNICEF and we remain to be a global hot spot for these,” pahayag ni Brosas kaya nagpatawag ito ng imbestigasyon upang makabuo ng mas matapang ng batas na poprotekta sa mga kabataan.

Hindi kinontra ng mambabatas ang nasabing report ng UNICEF dahil sa kasagsagan ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic, lumubo ang bilang ng mga kabataan na ibinebenta online.

Ayon sa mambabatas, kailangan ang agarang aksyon sa problemang ito upang maproteksyunan ang mga kabataan na biktima ng pang-aabuso dahil malaki ang magiging epekto nito sa kanilang buhay. (BERNARD TAGUINOD)

223

Related posts

Leave a Comment