Sa mga pribadong ospital NURSES CRIMINALLY UNDERPAID – SOLON

GANITO inilarawan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga nurse sa mga pribadong pagamutan sa bansa kaya naghain ito ng panukala para mabigyan ang mga ito ng makatarungang sahod.

Sa inihaing House Bill (HB) 7784 o “Salary Increase for Private Sector Medical Workers Act”, nais ni Vargas na idikit man lamang sa P32,000 na buwanang sahod ng mga nurse sa government hospitals ang tinatanggap ng mga tulad nila sa private hospitals.

“Our nurses and other health care workers in private institutions are criminally underpaid,” ani Vargas dahil sumasahod lamang aniya ang mga ito ng P10,000 kada buwan.

Nangangamba ang mambabatas na maglalayasan ang mga nurse sa mga private hospital lalo na’t inalis na ng gobyerno ang ban sa deployment ng mga nurse sa ibang bansa.

Anim na beses na mas mataas ang sahod ng mga Pilipino nurse sa Saudi Arabia dahil umaabot ito ng P60,000 kada buwan habang mas mataas naman sa ibang bansa tulad ng Amerika, United Kingdom at iba pa.

Dahil dito, hindi na magtataka ang mambabatas na mauubusan ng nurse ang mga private hospital dahil makikipagsapalaran na lamang ang mga ito sa ibang bansa.

Upang mapigilan ito, kailangan aniyang gumawa ng batas para itaas ang sahod ng mga private nurse na tulad ng mga nasa government hospitals ay nakita ang kahalagahan ngayong panahon ng pandemya sa COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

171

Related posts

Leave a Comment