CAMARINE Sur – Tatlong kasapi ng isang angkan ang namatay dahil sa land dispute sa pagitan ng mga magkakamag-anak sa Brgy. Beberon sa bayan ng San Fernando sa lalawigang ito.
Ayon sa isinumiteng ulat ng San Fernando Municipal Police Station, kinilala ang mga napatay na sina Miral Rentoria, Alexander Rentoria at Noel Rentoria.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na away sa lupa ang pinag-ugatan ng nangyaring pamamaslang.
Target ng manhunt operation ang mga suspek na sina Lauro Rentoria at Larry Rentoria, itinuturong nasa likod ng pamamaril at pananaga sa mga biktima.
Sinasabing matapos ang krimen ay mabilis na tunakas ang dalawang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente habang tinutunton ang pingtataguan ng mga suspek. (JESSE KABEL)
