PULIS, KASABWAT HULI SA BUY-BUST

PAMPANGA – Isang aktibong kasapi ng Philippine National Police at kasama nitong babae ang inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na linggo sa Angeles City sa lalawigang ito.

Sa joint buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 1, 3, CALABARZON at Angeles City Police Office, nadakip ang isang patrolman at kasabwat umano nitong babae sa Don Jueco Avenue, Brgy. Malabañas Clark View, Angeles City.

Kinilala ni Police Regional Office 3 spokesperson, Lt. Col. Soledad Elefanio, ang nadakip na si Patrolman Jerick Francisco, nakatalaga sa Bataan PPO 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at kasama nitong si Eileen Perez, ng San Antonio, Mexico, Pampanga.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad hinggil sa illegal drug activities ng pulis at posibleng anti-narcotic operation na ilulunsad kaugnay nito.

Nabatid na responsable sa pagbabagsak ng droga ang nasabing pulis sa bayan ng Mexico, City of San Fernando, at Angeles City, ayon sa PDEA.

Nakumpiskahan ang suspek ng dalawang sachet ng umano’y shabu na tinatayang 10 grams ang bigat at hindi bababa sa P68,000 ang street value, bukod pa sa Glock service firearms, magazine, mga bala, PNP ID at cellphone nito.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang pulis at kasama nito. (JESSE KABEL)

162

Related posts

Leave a Comment