Kabilang ang 2 lolo at 3 totoy 17 TULAK TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Dalawang lolo at tatlong totoy ang kabilang sa 17 hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nadakip ng Cavite Police sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang lima sa mga arestado na sina Romeo Bladerobal, 63; Rolando Umali, 60, at tatlong menor de edad na sina alyas Jape, 14; Jonjon at Rossel, kapwa 17-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 nitong Miyerkoles ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Pasong Camachille 2, Gen. Trias City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang senior citizen at isa pang suspek na si Edwin Lomutad.

Dakong alas-8:00 naman ng gabi noong Martes nang madakip ang dalawa pang mga suspek sa Brgy. H2, Dasmariñas City.

Habang sa buy-bust operation sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez nadakip ang tatlong menor de edad na nakumpiskahan ng marijuana.

Samantala, nanguna ang Dasmariñas City sa may pinakamaraming dinampot na tulak sa bilang na lima; sumunod ang Naic, 4; tig-tatlo sa Gen. Trias City, Imus City at Naic; dalawa sa GMA habang tig-isa ang Noveleta at Ternate. (SIGFRED ADSUARA)

135

Related posts

Leave a Comment