CURFEW HOURS SA NAVOTAS, BABAWASAN

NIREBISA ng Pamahalaaang Lungsod ng Navotas ang curfew ordinance nito para payagang makadalo ang mga residente sa tradisyunal na Simbang Gabi at misa sa Pasko at Bagong Taon.

Nilagdaan noong Biyernes ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-49 kung saan inamyendahan ang Section 4 ng dating curfew ordinance ng lungsod.

Nakasaada sa bagong ordinansa ang 11:00 pm hanggang 2:00 am na curfew para sa mga nasa hustong gulang sa Disyembre 15-23, 2020. Habang aalisin ang curfew sa Disyembre 24, 25, at 31, 2020 at sa Enero 1, 2021.

Ang 24-oras na curfew para sa mga menor de edad ay magpapatuloy hanggang mayroong community quarantine.

“We are still in the middle of a pandemic, and as long as we have COVID cases in the city, the health and safety of our people will remain our top priorities,” ani Mayor Toby Tiangco.

“While we are relaxing our curfew, we remind everyone to be vigilant and follow the safety protocols. Always wear your face mask and face shield, keep your distance, and wash your hands frequently,” ayon sa alkalde.

Kaugnay nito, handa naman umano ang mga simbahan sa lungsod na doblehin ang bilang ng mga misa kada gabi para mas maraming makapagsimba habang pinananatili ang sapat na physical distancing.

Ang religious activities ay pinapayagan hanggang 30% ng kapasidad sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine. (ALAIN AJERO)

200

Related posts

Leave a Comment