CUTTING TRIP SA PITX

POINT OF VIEW

Halos maglilimang buwan nang ibinukas sa publiko ang  Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Paranaque City na inaasahang magseserbisyo para sa may 100,000 pasahero kada araw  na papunta at paalis sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.

Ito ang itinuturing na kauna-unahang  moderno at world class  landport sa bansa.

Ang PITX ay binuksan noong Setyembre 2019,  na noong una ay itinuturing itong ‘bangungot’ ng mga commuters dahil sa hirap  na kanilang dinaras dahil kulang sa kahandaan ang pagbubukas nito particular ang kakulangan ng mga public utilities (PUVs) na maari nilang masakyan papunta at palabas ng PITX.

Wala naman silang mapagpilian dahil ibinawal na rin ang kanilang mga dating sinakyan mga bus  at mini-bus na diretsong Baclaran o hanggang Lawton, kaya ang mga estudyante at empleyado ay nali-late sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang klase at trabaho , ayon sa pagkakasunod.

Sa pag-uwi naman inaabot  sila ng madaling araw sa paghihintay ng mga bus para makauwi lamang.

Ngunit habang tumatagal, unti-unti nang naayos naman ng Department of Transportation at ng Land Transportation  Franchising  and Regulatory Board (LTFRB) ang mga hinaing  ng mga commuters at unti-unti na ring napupunan ang kakulangan ng mga nagseserbisyong mga PUVs kaya  nababawasan na rin ang stress at nakukuha na nila ang loob ng mga pasahero matapos sila ng  20 bagong ruta papunta at palabas sa nasabing bus terminal.

Gayunpaman, habang umaayos  na ang daloy ng trapiko sa  PITX, tila unti-unti naman itong sinisira ng ilang abusadong indibidwal.

Tulad ng mga jeepneys  na  binigyan ng ruta  sa nasabing landport  ay  nagsisimula na sa kanilang nakagawiang illegal na gawain na ‘cutting trips.”

Gaya sa  personal kong nasaksihan  nitong  Pebrero 6, sa nasakyan naming  dyip  na may  rutang  FTI-PITX at vice versa. Nang duma­ting ang dyip, nagmamadling sumukay ang mga pasahero dahil halos 25 minuto na sila sa pilahan at mahuhuli na sila sa kanilang pinapasukan.

Narinig naming sa pag-uusap ng dispatcher at ng driver na gusto lamang ng huli na isakay na mga pasahero ay hanggang MRT-LRT station sa Pasay  dahil matrapik papuntang FTI.

Nang hindi pumayag ang dispatcher dahil iyon ang kanyang ruta, pinababa ng  driver at ng kanyang barker  ang mga sakay na pasahero, subalit nagkaisa ang mga nakasakay na hindi bumaba dahil matiyaga silang pumila at naghintay, tapos pababain sila.

Napilitan ang mamang  driver na  bumiyahe na lamang subalit  nang magbabaan ang sakay nitong pasahero at dalawa na lang  ang naiwan ay inilipat nila ang naturang mga pasahero sa ibang jeep na patungong FTI at umikot na sila sa may Magallanes pabalik sa PITX.

Dapat siguro tutukan ng DOTr at LTFRB ang problemang ito at patawan ng kaukulang parusa ang mga lumalabag tulad nang pagkansela sa ibinigay na prangkisa sa mga driver na ito na mahiling mag-cutting trip.

Kawawa naman ang pasahero lalo na kung senior citizen, gayundin ang mga pasahero na maraming dalang bagahe, at yaong nagmamadali nang  makapasok na kanila pababain.

Dapat i-screen nang mabuti ang mga papayagang PUVs  sa nasabing ruta  dahil sila lang ang inaasahan ng mga pasahero na masasak­yan papasok at palabas sa nasabing terminal.  Hindi dapat payagan ang mga abusadong mga driver  na walang konsiderasyon sa kanilang mga pasahero, kumita lang ng malaki.  Kaya habang maaga pa ang tanggalin na sila. (POINT OF VIEW / NEOLITA R. DE LEON)

134

Related posts

Leave a Comment