Sinira ng Bureau of Customs – Port of NAIA ang panibagong 365 kilograms ng mga unregistered medicines, cosmetics at iba pang hazardous goods sa Trece Martires, Cavite noong nakaraang Disyembre 29, 2020.
Ang nasabing medicines at cosmetic products ay nasabat sa pagdating pa lamang sa Port na walang kaukulang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) at hindi ligtas na gamitin ng tao.
Ayon kay District Collector Carmelita M. Talusan, ang mode of condemnation ay sa pamamagitan ng thermal decomposer (Pyrolysis) na magbibigay ng garantiya na kahit isang piraso ay maibebenta sa merkado.
Layunin ng pagsira ng BOC NAIA sa mga kalakal ay ang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa hindi rehistradong kakakal.
Matatandaan noong nakaraang Disyembre 7, ang port ay may nauna nang sinirang 4.28 tons ng mga unregistered at hazardous goods sa pamamagitan ng pyrolysis.
Kaugnay nito, para sa taong 2020, may kabuuang 373.19 tons ng unregistered goods ang sinira ng BOC NAIA.
Ang pagkakasabat at pagsira ng unregistered medicines at hazardous goods ay bahagi ng border protection initiatives ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero para protektahan ang publiko laban sa hindi ligtas na kalakal at ‘trade facilitation directive to zero out’ ng overstaying cargoes upang mapaluwag ang mga port sa bansa. (Jo Calim)
193
