Biktima piniktyuran pa RAPE SUSPECT ARESTADO

ARESTADO ang isang 18-anyos na painter sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa na umano’y kinunan pa ng malaswang larawan ang biktima, sa Tondo, Manila.

Dakong alas-5:45 ng hapon noong Martes nang madakip ang suspek na si Rey Mark Cortez, binata, residente sa #316 Zaragosa St., Tondo, sa Claro M. Recto Avenue malapit sa Delpan St. sa Binondo.

Makaraang mabatid ang kinaroroonan ng suspek, agad nagtungo sa lugar ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng Manila Police District-Station 2, at inaresto ang suspek.

Si Cortez ay itinuturing na number 3 most wanted person sa buong area ng Tondo dahil kasong 2 counts ng rape at paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act. (RENE CRISOSTOMO)

286

Related posts

Leave a Comment