1 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON

ISA na naman ang namatay sa COVID-19 sa Barangay Baritan, Malabon City noong Enero 7, ang ika-235 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya.

Ayon sa City Health Department, lima naman nadagdag na confirmed cases at 6,107 na ang positive cases sa Malabon, 44 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Niugan (1) at Tañong (4).

Apat naman ang gumaling. Sila ay mula sa Barangay Catmon (1), Ibaba (1) at Potrero (2). Sa kabuuan ay 5,828 ang recovered patients ng siyudad.

Samantala, 8,601 na ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela City. Sa bilang na ito ay 6,260 na ang gumaling, 258 ang namatay at 83 ang active cases.

Sa lungsod naman ng Navotas, may nadagdag na apat na nagpositibo sa COVID.  Pumalo na sa 5,470 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, 5,263 na ang gumaling, 170 ang namatay at 37 ang active cases. (ALAIN AJERO)

140

Related posts

Leave a Comment