TSERMAN, 3 PA PATAY SA AMBUSH SA BASILAN

BASILAN – Puspusan ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring pamamaslang sa isang barangay chairman at tatlong kasamahan nito sa bayan ng Tipo-tipo sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Basilan PNP, patay ang apat na kalalakihan makaraang pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, bayan ng Tipo-Tipo noong Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, kabilang sa mga napatay ang chairman ng Barangay Matata sa bayan ng Ungkaya Pukan.

Kinilala ang mga pinaslang na sina Brgy. Chairman Bin Saudi Sarakil, Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.

Lumitaw sa pagsisiyaat, lulan ng isang sasakyan ang mga biktima nang tambangan sila ng hindi pa kilalang armadong kalalakihan.

Kasalukuyang sinisiyasat ng pulisya ang posibleng motibo at inalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (JESSE KABEL)

185

Related posts

Leave a Comment