SOLON, MISIS DINAPUAN NG COVID-19

INAMIN ni Deputy Speaker Doy Leachon na nahawa siya ng coronavirus disease 2019 mahigit dalawang linggo na ang nakararaan gayundin ang kanyang misis.

Gayunman, sinabi ni Leacho, nakarekober na siya at ang kanyang misis sa nasabing virus.

“Got swab test again last night, negative,” ani Leachon matapos magpositibo sa COVID-18 noong huling linggo ng Disyembre.

“I’m okey na (sa nakaraang 5 araw). Walking na ako sa village with mask and shield,” ayon pa sa House leader at maging ang kanyang misis ay wala nang nararamdahang anumang sintomas ng COVID-19.

Si Leachon ay kapatid ni dating National COVID-19 Task Force adviser Dr. Tony Leachon na isa sa mga kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkuwestiyon nito sa polisya ng gobyerno laban sa virus at inakusahang nagpapa-appoint lang sa gobyerno kaya nag-iingay.

Dahil dito, umaabot na sa 13 congressmen ang tinamaan ng COVID-19 mula nang manalasa ang nasabing virus noong Marso at ang pinakahuling biktima ay si Zamboangan City 2nd District Rep. Jose Manuel Dalipe.

Kabilang sa mga nahawa sa COVID-19 sa Kamara ay sina Deputy Speaker Mujiv Hataman, Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, 1PACMAN Party-list Rep. Eric Pineda, Cavite Rep. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, Bulacan Rep. Henry Villarica, Sulu Rep. Samier Tan, Northern Samar Rep. Paul Daza at iba pa na pawang gumaling na maliban kina Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol Jr. at Sorsogon Rep. Ditas Ramos na binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit.

Samantala, muling isasailalim sa regular swab test ang mga mambabatas at maging ang kanilang mga empleyado pagbalik ng mga ito sa trabaho sa Enero 18, 2021.

Layon umano nito na masigurong malinis sa virus ang mga empleyado at mga mambabatas bago payagan ang mga ito na gumanap nang personal sa kanilang tungkulin sa Batasan Pambansa. (BERNARD TAGUINOD)

156

Related posts

Leave a Comment