2 MOST WANTED HULI SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo P. Macerin ang pagkakaaresto sa station level top 1 most wanted person ng Project 6 Police Station (PS-15), sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ni PBGen. Macerin ang suspek na si Randy Arce, 33-anyos, residente sa Citiland Prime Residence sa Tagaytay City, nadakip sa bisa ng warrant of arrest, dakong alas-5:50 ng hapon noong Enero 10, 2021 sa kanyang bahay, ng mga operatiba ng PS-15, sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Hendrix Mangaldan.

Si Arce ay nakalista bilang no. 1 most wanted person ng PS-15 at may warrant of arrest para sa kasong homicide.

Samantala, arestado rin sa mga tauhan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, sa bisa ng warrant of arrest. ang suspek na si Ronton Maguing, 56-anyos, residente ng Brgy. Payatas, dakong alas-6:00 ng gabi noong Enero 10, sa Asper St., Group 3, Area B, Brgy., Payatas dahil sa kasong oral defamation. (JOEL O. AMONGO)

238

Related posts

Leave a Comment