Anggulong droga binawi ng 2 sa suspek MAKATI COPS NILAGLAG SA DACERA CASE

BINAWI ng dalawang persons of interest (POI) ang kanilang naunang salaysay na may sangkot na droga sa insidente ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera noong Enero 1.

Sa panayam sa abogado ng mga POI na sina John Pascual at Rommel Galid, na si Atty. Abby Portugal, sinabi nitong natakot ang dalawa sa mga pulis kaya napilitang magturo ng ibang tao upang hindi tuluyang makulong.

Sa unang affidavit ni John Pascual, itinuro nito ang isang Mark Anthony na umano’y may itinagong droga sa medyas nito.

Sinabi pa umano ni Pascual na may nakahanda nang affidavit at napilitan silang pumirma

Sinabi naman ni Galid, pagod na siya at naguguluhan kaya ginawa ang pahayag para maging maayos na ang lahat.

Sina Pascual at Rommel ay pansamantalang idinetine ng pulisya ngunit agad ding pinakawalan sa utos ng piskalya makaraang makitang hindi sapat ang mga ebidensya.

Tiniyak naman ni Atty. Portugal na handang makipagtulungan ang kanyang mga kliyente upang lumitaw ang katotohanan.

Sinikap ng SAKSI NGAYON na makuha ang panig ng hepe ng Makati City Police hinggil dito, sa pamamagitan ng Viber group message, ngunit isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin sumasagot ang opisyal. (DAVE MEDINA)

187

Related posts

Leave a Comment