SEKYU, GRINIPUHAN NG 2 KAINUMAN

AGAW-BUHAY ang isang security guard makaraang pagsasaksakin ng dalawang factory worker nang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman noong Biyernes ng gabi sa Navotas City.

Nananatiling kritikal ang kalagayan sa Navotas City Hospital ang biktimang si Kevin Navarro, 28, ng #290 Magat Salamat St., Brgy. Daanghari.

Sa agarang follow-up operation ng mga awtoridad ay nadakip naman ang mga suspek na sina Wilmar Casipit, 22, ng #497 Gov. A. Pascual St., Brgy. Daanghari, at Ricardo Eballar, 18, ng Estrella St., Brgy. East Navotas.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang tatlo ngunit dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magtalo ang mga ito.

Pagkaraan, bumunot umano ng patalim ang mga suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Agad namang isinugod sa pagamutan ng kapatid ang biktima para malapatan ng lunas. (ALAIN AJERO)

112

Related posts

Leave a Comment