30 BAHAY SA CAVITE, NILAMON NG APOY

Cavite – Tinatayang 30 kabahayan ang nilamon ng apoy sa halos dalawang oras na sunog sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:55 ng gabi noong Biyernes nang nagsimula ang sunog sa isang barong-barong sa squatters area sa Barracks Phase 4, Soldiers Hills 4, Molino 6, Bacoor City.

Dahil sa karamihan sa bahay ay yari sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang tinatayang 30 kabahayan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire under control dakong alas-9:00 ng gabi at fire-out ng alas-9:40 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog habang ang mga residente ay dinala sa covered court sa Soldiers Hills, Phase 4, ng naturang bayan lugar.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang napinsalang mga ari-arian. (SIGFRED ADSUARA)

466

Related posts

Leave a Comment