16 positibo sa Navotas, 2 sa Malabon1 PATAY, 85 NEW COVID CASES SA VALENZUELA

ISA ang namatay habang 85 ang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City habang 16 ang tinamaan ng nasabing sakit sa Navotas City at dalawa sa Malabon City noong Enero 16.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela City, bunsod ng karagdagang nagpositibo mula noong Enero 14 ay 8, 897 na ang confirmed cases sa lungsod at biglang lumobo sa 214 ang active cases.

Umabot naman sa 261 ang COVID death toll sa Valenzuela habang 8,422 na ang nakarekober.

Bunga nito, pinaalalahanan ang mga Valenzuelano na sumunod sa minimum health standards. Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at face shield at palaging paghuhugas ng kamay.

Pinayuhan din ang mga residente na manatili sa kani-kanilang bahay hangga’t maaaari at huwag magpunta sa matataong lugar.

Samantala, 16 naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas sa nasabing petsa habang anim ang gumaling.

Umabot na sa 5,532 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas, 5,297 ang gumaling sa mga ito, 172 ang namatay at 63 ang active cases.

Sa lungsod naman ng Malabon, ayon sa City Health Department, dalawa ang nadagdag na confirmed cases noong Enero 16 at 6,174 ang positive cases, 70 dito ang active cases.

Apat naman ang gumaling at 5,868 ang recovered patients sa Malabon habang nananatiling 236 ang bilang ng mga namatay. (ALAIN AJERO)

136

Related posts

Leave a Comment