NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) na maging mapagbantay at higpitan ang kanilang mga hangganan sa lahat ng pantalan ng Region 7 kasunod ng official declaration ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa Region 8 na kauna-unahang kaso ng ASF sa Visayas.
Base sa field reports, mayroon umanong mataas na kaso ng pagkamatay ng mga baboy sa Abuyog, Leyte simula noong unang Linggo ng Enero (although unconfirmed yet at that time) na nagdulot ng alarma sa Central Visayas Animal Disease Surveillance Advisory Committee (CV ADSAC) sa ilalim ng Department of Agriculture Region 7.
Nabatid ito sa isinagawang virtual meeting noong Enero 13 kasama ang chief veterinarians sa lahat ng apat na lalawigan at iba pang city veterinarians gayundin ang Regional Vet Quarantine Services 7 (RVQS-7) at si Director Eduardo Oblena ng National Meat Inspection Services – Region 7 (NMIS-7).
Dahil dito, nagtalaga ng personnel ang LGUs at ang RVQS-7 sa lahat ng pantalan na inatasang higpitan ang pag-check ng lahat ng mga dokumento na nagdadala ng mga baboy (including pork) at tiyakin na lahat ng mga sasakyang nagdadala ng mga buhay na hayop ay dumaan sa tamang disinfection (disinfection certificates must be present at all ports).
Bukod dito, ipinatutupad din ang online application para sa shipping permits ng RVQS-7 na may karagdagang kailangan para sa pagsumite ng isang route plan.
Ang Bohol ay nag-isyu noong Nobyerbre 26, 2020 ng EO 56 s2020 ‘regulating transport and movement of pigs. Bohol is now implementing regulation where trucks containing pigs are unloaded/loaded only in designated areas within their ports’.
Samantala, ang lalawigan ng Cebu ay maglalabas din ng bagong Executive Order kaugnay sa pagtatag ng quarantine regulations sa pagpasok ng livestock transport vehicles at mga barko na papasok sa nasabing lalawigan.
Ang veterinarians ay may karagdagang tinalakay sa pagtatalaga ng tiyak na pantalan sa rehiyon para sa entry/exit ng mga truck mula Luzon at iba pang rehiyong apektado ng ASF.
Ang grupo ay nagkasundo rin na magsagawa ng random blood sample collections sa slaughterhouses para sa negative surveillance.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng laboratory tests sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory-7 (RADDL-7). (JOEL O. AMONGO)
213
