Sa Cavite at Rizal 54 NASAKOTE SA TUPADA

UMABOT sa 54 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon laban sa mga ilegal na pasabong o tupada sa lalawigan ng Cavite at Rizal.

Sa Cavite, 48 ang naaresto ng mga pulis habang marami ang nakatakas sa isinagawang serye ng operasyon.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), apat na sabungero ang dinampot habang nasa aktong nagsasagawa ng tupada dakong alas-8:00 ng umaga noong Linggo sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City at nakumpiska ang dalawang panabong na manok, tari at P690 halaga ng pusta.

Nadakip din ang 14 kalalakihan ng ng Gen. Trias City Police habang nagsasagawa ng tupada dakong alas-2:30 at alas-3:30 noong Linggo ng hapon sa Brgy. San Francisco sa Dasmariñas City, at nasamsam ang walong panabong, siyam na tari at P2,270 na pusta.

Nagsagawa rin ng anti-illegal gamling operation ang Imus City Police dakong alas-3:30 ng hapon noong Linggo sa Brgy. Alapan 2-B, Imus City na nagresulta sa pagkakadakip sa pito katao.

Sa Naic, tatlo katao naman ang dinampot ng mga operatiba sa tupada sa Brgy. Halang dakong alas-12:45 ng tanghali.

Sa Tagaytay City, 18 kalalakihan ang nakorner ng mga operatiba sa ikinasang anti-illegal gambling operation dakong alas-3:30 ng hapon noong Linggo sa Brgy. Iruhin West sa nasabing lungsod.

Samantala, hindi nakapalag ang mga nabuking na nagsasagawa ng tupada at anim ang nadakip sa mga ito sa Sitio Paraidol, Brgy. San Roque sa Angono, Rizal.

Kinilala ni P/Lt. Col. Noel Campos ang mga nahuli na sina Emie Saloma y Gumawan, Julieto Saloma y Gumawan, Edmar Espinosa y Florendo, Leo Sillon y Balinas, Emelio Rollo y Mañoso at Junrey Lauron y Tucas, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa nabanggit na lugar. (SIGFRED ADSUARA/KNOTS ALFORTE)_

147

Related posts

Leave a Comment