ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA UMAKYAT SA 220

PATULOY sa paglobo ang active cases sa Valenzuela na naitala sa 220 noong Enero 18.

Nadagdagan naman ng dalawa ang confirmed cases sa lungsod na sa kasalukuyan ay 8,934 na ang bilang. Umabot na sa 8,452 ang recovered cases at 262 ang naitalang namatay.

Samantala, isa sa apat na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City, ang binawian ng buhay noong Enero 18.

Ayon sa City Health Office, pito naman ang gumaling sa nasabi ring araw.

Umabot na sa 5,537 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Habang 5,306 na ang gumaling, 173 ang namatay at 58 ang active cases.

Sa lungsod naman ng Malabon, nabatid sa City Health Department na pito ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 6,184 ang positive cases sa lungsod, 71 dito ang active cases.

Anim na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 5,876 na ang recovered patients ng siyudad, habang nananatili sa 237 ang bilang ng mga namatay. (ALAIN AJERO)

79

Related posts

Leave a Comment