ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police district ang isang dating policewoman na wanted dahil sa kinakaharap na kasong malversation, makaraang matiyempuhan sa tinutuluyang bahay sa Soler St., Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-Station 3, ang suspek na si Evelyn Guerrero Tacadena, 28, dating miyembro ng PNP-CIDG-DSOU sa Camp Crame, at residente sa #1421 Soler St., Brgy. 305, Sta. Cruz, Manila.
Batay sa ulat ni P/Major Innocencio Richard Villanueva, bandang ala-1:00 ng hapon nang isagawa ang “Manhunt Charlie” kay Tacadena sa tinutuluyan nitong bahay, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Peter Flip Sia, acting judge ng Metropolitan Trial Court, Branch 131, Quezon City, sa kasong paglabag sa Art. 217 ng RPC o malversation of public funds or property, presumption of malversation.
Gayunman, inirekomenda ng korte ang P36,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)
299
