BUMULAGA sa mga residente ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki na tadtad ng tama ng saksak sa tiyan, sa ilalim ng tulay ng Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sa Vitas Tondo, Manila nitong Biyernes ng umaga.
Tinatayang nasa edad 20 hanggang 30 ang biktimang nakasuot ng gray short pants at green long sleeves.
Base sa ulat ng Manila Police District-Station 1, bandang alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng tulay sa nasabing lugar, ng isang Albert Ibañez, 32, tanod ng Barangay 128 sa Tondo.
Ayon sa salaysay ni Ibañez, nakarinig siya ng mga putok ng baril at nang kanyang usyusuhin ang pinanggalingan ng putok ay tumambad ang wala nang buhay na biktima sa gutter sa ilalim ng tulay sa naturang lugar.
Malaki ang hinala ng pulisya na ilegal na droga ang sanhi ng pagpaslang sa biktima. (RENE CRISOSTOMO)
293
