LEGAZPI HOSPITAL, INI-LOCKDOWN DAHIL SA COVID-19

ISINAILALIM sa lockdown ang pagamutan sa Lungsod ng Legazpi sa Albay dahil nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, ipinag-utos niya ang lockdown sa Legaspi City Hospital (LCH) para makapagsagawa ng mga hakbang upang hindi na madagdagan ang mga pasyente ng COVID-19 sa LCH.

Ani Rosal, tatlo na lamang ang natitirang mga pasyente sa LCH dahil nailabas na ang 13 mula sa 16.

Magsasagawa rin ang pamunuan ng ospital ng COVID-19 swab testing at contact tracing upang matukoy kung saan nakuha ng isa sa 120 empleyado ng LCH ang COVID-19.

Sabi ni Rosal, magbabalik ang operasyon ng LCH kapag natapos na ang COVID-19 testing, contract tracing at disinfection sa ospital. (NELSON S. BADILLA)

338

Related posts

Leave a Comment