2 TIKLO SA ILLEGAL BOOKIES

BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, kasama ang ilang miyembro ng Games and Amusement Board (GAB), ang dalawa katao makaraang salakayin ang illegal bookies sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) na inamiyendahan sa RA 9287 (illegal numbers games) ang mga suspek na sina Wilma Cayabo, 39, may asawa, ng #406 J. Pavia St., at Dennis Manapsal, 50, may asawa, tambay, ng #1675 Int. 3, Francisco Varona St., kapwa ng Tondo.

Base sa report ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon noong Sabado nang salakayin ang illegal bookies sa panulukan ng F. Varona at Panday Pira streets sa Brgy. 79, Zone 7, sa Tondo.

Pinamunuan ni P/Cpt. Jervies Soriano, chief ng Operation ng DSOU, sa ilalim ni P/Major Roderick Dean Carza, at ilang miyembro ng GAB na pinangunahan ni SG1-2 Glenn Pe, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng P17,330 cash sa iba’t ibang denominations na ipipresenta sa korte bilang mga ebidensya. (RENE CRISOSTOMO)

106

Related posts

Leave a Comment