CAVITE – Patay ang isang lalaki nang masagasaan habang tumatawid sa kalsada, samantalang patay rin ang isang rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Mark Anthony Homo ngunit idineklarang dead on arrival.
Dinala naman sa Dr. Poblete Hospital si Rey Mark Gimeno, 28, ng Brgy. Palumlum, Alfonso, Cavite ngunit hindi rin umabot nang buhay.
Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Homo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Lalaan 2nd, Silang, Cavite dakong alas-10:00 noong Sabado ng gabi nang nang nasagasaan ng minamanehong sasakyan ni Paul John Bernales sa nasabing lugar.
Minamaneho naman ni Gimeno ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Mangas 2 sa Alfonso, Cavite dakong alas-11:20 noong Sabado ng gabi nang mawalan ng kontrol sa manibela dahilan upang sumemplang ito. (SIGFRED ADSUARA)
