P45-M FAKE AT SMUGGLED ITEMS HULI SA BOC-MICP NOONG ENERO 2021

BILANG bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) na pigilan ang smuggling, nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) ang ibat-ibang kalakal sa kanilang isinagawang inspeksyon na isinagawa sa isang warehouse sa lungsod ng Las Piñas.

Armado ng Letter of ­Authority (LOA) na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang binuong composite team na kinabibilangan ng MICP’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kasama ang Enforcement and Security Service (ESS) sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ay nakadiskubre ng ibat-ibang peke at smuggled items.

Kabilang dito ang ibat-ibang chinese medicines, cigarettes at counterfeit items maging bags at food items.

Ang mga ito ay tinatayang nagkakahalaga ng Php 45 Million.

Ang karagdagang inventory ng nasabing kakalal na isinagawa ay para sa posibleng pagsasampa ng kaso para sa paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA).

Ang MICP bilang pinakamalaking pwerto ng bansa ay nananatili sa kanilang pangako sa pagpupursige sa kanilang mandato na proteksiyunan ang hangganan ng bansa.

At patuloy rin ang kanilang paglaban sa smuggling sa ilalim ng patnubay ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. (Joel O. Amongo)

138

Related posts

Leave a Comment