LAGUNA – Isang bangkay sa loob ng sako na hinihinalang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa likod ng isang mall sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.
Base sa report ng Sta. Rosa Police, natagpuan ng dalawang janitor na sina Balbino Tangson Cambal, 28, at Marjunel Baitancila Sanchez, 32, ang bangkay sa loob ng asul na sako, sa access road ng nasabing mall sa Brgy. Tagapo bandang alas-8:00 ng umaga.
Ayon sa ulat, naglilinis ng tabing kalsada ang dalawang janitor nang mapansin ng mga ito ang sako na unang inakalang may lamang basura.
Sa pagssiyasat ng mga awtoridd, nadiskubreng nakaposas ang mga kamay ng biktima.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng naturang bangkay na nakasuot ng t-shirt na may blue stripes, maong na pantalon at puting sapatos. (CYRILL QUILO)
195 