HUMAN TRAFFICKING SA MACTAN AIRPORT, PATULOY?

MULING nabulabog ang Bureau of Immigration main office sa Intramuros, Manila noong nakaraang linggo makaraang isang liaison officer ng law firm ang inaresto ng mga ahente ng NBI.

Nakuha sa kanya ang marked money na nagkakahalaga ng P900K at ilang bulto ng passports ng Chinese nationals sa loob ng tanggapan ng isang Atty. Maminta.

Ngunit iginiit ng opisyal na hindi niya kilala ito at wala siya noon sa kanyang tanggapan nang mangyari ang entrapment operation.

Agad naman itong pinaimbestigahan ng magaling na BI Admin Chief na si Mary Ann Caranto at maging ng mga tauhan ng CSU na nagpapatupad lagi ng kaayusan para sa seguridad ng lahat ng pumapasok sa ahensya.

Matatandaang naging ­kontrobersyal ang Pastillas scheme kung saan maraming pplitiko ang nakisawsaw sa issue para sa kanilang political ambition at ­maraming pangalan din ang ­nasira at nasuspinde kahit ­karamihan dito ay biktima lamang ng pulitika ­maging ang ilang tumayong ­whistleblower na tila napilitan lamang at may posibilidad na hindi na ­makabalik sa kanilang trabaho sa BI sa kadahilanang sino pa ang magtitiwala sa kanila matapos nilang sirain ang ahensya.

Samantala, matapos ang halos anim na buwan na ­nagkaroon ng rigodon sa hanay ng mga ­tauhan ng BI sa NAIA ay ­nakatanggap tayo ng ­sumbong na patuloy umano ang illegal money ­making activities ng ilang immigration ­officers.

Ayon sa ating source, sa Mactan International Airport umano idinadaan ang ilang OFWs na patungong Middle East na biktima ng human traffickers kapalit ang P70K to P80K upang makalusot?

Nakaaalis naman ang mga OFW na kumpleto ang dokumento pero kapag kulang-kulang na, dyan na papasok ang mga sindikato.

Ano kaya ang ginagawa rito ng Head ng Travel Control Enforcement Unit?

Gaano kaya ito katotoo? Alam kaya ito ng baguhang Port Operation Division Chief na itatago natin sa pangalang si Candy Tan?

Aba madam, umikot ka sa mga nasasakupan mo upang malaman mo nangyayari hindi yung naglalagi ka sa main office. Wala riyan ang airport. Nandoon oh, sakay ka kaya ng Walis Tingting.

Pero bakit kaya malalakas ang loob ng mga hinayupak na magpalusot? May mas mataas pa kaya na opisyal ng BI ang nakikinabang? May Gad!!

Madam, wag mo hayaang masira ang tiwala na ibinigay sa inyo ni DOJ Secretary, Menardo Guevara at wag mo rin antayin na ang ­dating matamis na Candy ay maging ampalaya flavor.

Abangan sa susunod ang pambibisto natin sa tauhan ng isang mataas na opisyal ng BI na nagsisilbing bagwoman na noon ay walang-wala pero ngayon ay marami na umanong ­mamahaling ­sasakyan at ari-arian. Syempre kayo ba ­naman ang magtagal sa BI ­hanggang maging LOLA kayo?

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, maaari ninyo akong itext sa 09158888410.

510

Related posts

Leave a Comment