RETIRADONG PULIS ITINUMBA SA BRGY. HALL

LAGUNA – Patay ang isang retiradong pulis habang malubhang nasugatan ang hepe ng barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng barangay hall sa Purok 1, Brgy. Mapagong, Calamba City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Apolonio Comia Naredo, Jr., 52, retiradong pulis, at Rigor Rivera Medes, 38, hepe ng BPSO sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang pamamaril habang nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng barangay hall.

Bigla na lamang umanong dumating ang isang lalaking may bitbit na ‘di pa malamang kalibre ng baril, saka pinagbabaril sina Naredo at Medes nang walang dahilan.

Pagkaraan ay dali-daling kinuha ng suspek ang sling bag na nakasabit sa katawan ni Naredo at mabilis na tumakas.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente si Naredo habang isinugod sa JP Hospital si Medez para malapatan ng lunas. (CYRILL QUILO)

 

181

Related posts

Leave a Comment