DUMATING NA FIRST BATCH NG COVID-19 VACCINES PRINOSESO AGAD NG BOC

Agad prinoseso ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Port of NAIA ang 600,000 doses na first batch ng ­SINOVAC COVID-19 vaccines na dumating sa Villamor Airbase, Pasay City noong nakaraang Linggo, Pebrero 28, 2021.

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ­pagdating ng mga bakuna kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., DOH Secretary Francisco Duque III, Senador Christopher Bong Go at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sa bahagi naman ng BOC, kasama ni ­Commissioner Rey Leonardo Guerrero sina Assessment and Operations Coordinating Group Deputy Commissioner Edward James dy Buco at NAIA District Collector Carmelita M. Talusan na nag-supervised sa nasabing inaugural arrival ng COVID-19 vaccines.

Ang vaccines ay prinoseso at ini-release sa pamamagitan ng ‘Bureau’s advance clearance process para masiguro ang mabilis na pag release at delivery ng COVID-19 vaccines’.

Ang tungkuling ito ay ginawa ng BOC’s CoVax Special Handling Taskforce na binubuo ng mga miyembro ng NAIA’s Enforcement and Security Service at Aircraft Operations Division.

Sa kanyang pahayag ay tiniyak ni Commissioner ­Guerrero na ang Bureau of Customs ay laging nakahanda sa inaasahang pagdagsa ng bakuna na darating sa bansa.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng hepe ng Customs ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga pekeng bakuna na ibinebenta ng mga walang prinsipyong tao na ang layunin ay pagkakitaan at samantalahin ang pandemya.

Kaugnay nito, ang Bureau of Customs ay nananatili sa pangakong suporta sa ­government’s national vaccination program at pag-r­ekober ng bansa mula sa tama ng Covid-19 pandemic. (Joel O. Amongo)

191

Related posts

Leave a Comment