TULAK, 2 KASABWAT TIKLO SA P.5-M SHABU

AABOT sa mahigit kalahating milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang hinihinalang tulak, kasama ang dalawang kasabwat kabilang ang isang babae, sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes.

Dahil sa ipinaing marked money, natimbog ang target sa operasyon na kinilalang si Aldrin Florano y Cascaño, 21, residente ng #3730 F. Aguilar St., Makati City.

Samantala, arestado rin ang umano’y kasabwat nito na kinilalang sina Jericho Osorio y Manarapaac, 33, ng #132 Binhagan St., Caloocan City, at Eloisa Reyes y Tiglao, ng nasabi ring lugar.

Base sa ulat ni P/EMS. Rommel Rey, team leader ng Station Drug Enforcement Team (SDET), bandang alas-2:00 ng madaling araw nitong Huwebes nang ikasa ang buy-bust operation sa Claro M. Recto Avenue, malapit sa Oroquieta St. sakop ng Brgy. 310, Sta. Cruz, Manila.

Nabatid sa report ni P/Major Pidencio Saballo Jr., hepe ng SDET, na isinumite kay P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng Manila Police District-Station 3, bukod sa nasamsam na 13 sachet ng hinihinalang shabu na 100 gramo at tinatayang P680,000 ang halaga, nakumpiska rin sa mga suspek ang P500 marked money at isang itim na motorsiklo na ginamit sa transaksyon. (RENE CRISOSTOMO)

 

116

Related posts

Leave a Comment