HINDI mahaharap o mararanasan ng mga taga-Metro Manila ang water shortage sa buong taon.
“According to the MWSS Chair and OIC Administrator Reynaldo Velasco, we expect to have sufficient water supply this year in Metro Manila. Wala po tayong water shortage dito sa Maynila,” ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Iniulat ni CabSec Nograles ang ginagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para mapabilis ang implementasyon ng ilang proyekto na naglalayong tugunan ang mga water requirement ng rehiyon sa mahabang panahon.
Noong Marso 7, 2019, nagulantang ang mga kostumer ng Manila Water nang mag-anunsyo ito ng water interruption.
Para lamang sa loob ng isang linggo ay may 1.2 milyong kostumer ang nawalan ng suplay ng tubig o nakaranas ng low water pressure.
Ang itinuturong dahilan ng water concessionaire ay ang pagbaba ng water level sa La Mesa reservoir sa Quezon City dahil sa dry spell.
Dry spell ang epekto ng El Niño kapag nabawasan ng 60 porsiyento ang rainfall o tubig-ulan na kadalasang natatanggap ng isang lugar sa loob ng 3 magkakasunod na buwan.
Dry spell din umano kapag nabawasan ng higit 60 porsiyento ang rainfall sa isang lugar sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.
Samantala, sinabi ni CabSec Nograles na hindi naman nagbigay ng kahit anomang indikasyon ang Department of Energy hinggil sa electricity supply shortages.
“No indication was made na magkakaroon tayo ng problema sa kuryente,” ayon kay CabSec Nograles. (CHRISTIAN DALE)
