GSIS, PINALAWAK ANG BALIK GINHAWA 2; MAS MARAMING MIYEMBRO MAKATATANGGAP NG REFUND

MAS marami nang miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa pinalawak na Balik Ginhawa 2 Program, ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang tulong-pinansyal para sa mga miyembro ng GSIS.

Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ng refund na katumbas ng hanggang anim na buwang qualified loan amortizations para sa mga bayad mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026.

Maaari na ring makinabang ang mga miyembrong may arrears basta’t hindi pa due and demandable ang kanilang mga loan.

Hinikayat ng GSIS ang mga kwalipikadong miyembro at pensioners na alamin ang kanilang eligibility at mag-apply sa pamamagitan ng opisyal na website ng GSIS o GSIS Touch mobile application.

(CHRISTIAN DALE)

57

Related posts

Leave a Comment