ni JOEL O. AMONGO
Nagsampa na naman ng panibagong kaso sa Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng kanilang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS).
Kasama rin sa nagsampa ay ang Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) dahil sa umanoy misdeclaration at paglabag sa Customs Laws ng dalawang importers at kanilang mga Custom Brokers.
Kabilang sa kinasuhan ay ang F. E. R.N Freight Enterprises at kanilang Customs Broker para sa umanoy ‘unlawful importation and misdeclaration’ ng ibat-ibang branded medicines at ointments.
Ang nasabing kargamento ay may katumbas na kabuuang halagang Php20,346,072.45 noong Agusto 15, 2020 sa Manila International Container Port (MICP).
Kasama rin sa kinasuhan sa DOJ ng BOC-BATAS ay ang Primeace Corporation at kanilang Customs broker para sa umanoy misdeclaration at illegal importation ng ibat-ibang printing equipment at materials na may halagang Php2,062,475.14 noong Agusto 01,2020 sa Port of Manila.
Ang importers at kanilang Customs broker ay sinasabing lumabag sa Republic Act No. 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nilabag din nila ang FDA Administrative Order 2016-0003 na may kaugnayan sa Sections 10 at 11 ng Food and Drug Administration Act of 2009, at Article 172 na may kaugnayan naman sa Article 171 ng Revised Penal Code.
Kasabay nito, administrative cases naman ang isinampa sa Professional Regulation Commission laban sa Licensed Customs Broker na nasangkot sa nasabing katiwalian.
Matatandaan kamakailan lamang ay nagsampa rin ng kaso laban sa ilang mga Importers at Custom Brokers ang BOC-BATAS sa Department of Justice (DOJ) dahil din sa hindi tamang deklarasyon ng kanilang inimport na ibat-ibang kalakal na umanoy malinaw na paglabag sa CMTA at iba pang Customs Laws.
290 