PANSAMANTALANG sinuspinde ang pagpasok ng foreign nationals at returning overseas Filipinos na non-overseas workes sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.
Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.
Layon nito na mapigil ang karagdagan pang pagtaas ng bilang ng coronavirus cases at mapigilan din ang pagpasok ng coronavirus variants mula sa ibang bansa.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, exempted naman mula sa entry ban ang mga indibidwal gaya ng :
1. May hawak ng 9(c) visas;
2. Medical repatriation at ang kanilang escort ay inendorso ng DFA-OUMWA o OWWA;
3. Distressed Returning Overseas Filipinos na indendorso ng DFA-OUMWA;
4. Emergency o humanitarian cases na aprubado ng National Task Force against COVID-19.
Nauna nang ipinatupad ang uniform curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga at pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay sa Metro Manila.Umiiral din ang granular lockdown at liquor ban sa ilang siyudad. (CHRISTIAN DALE)
297
