PAGKALAS NG PINAS SA ICC TINULDUKAN NG SC

WELCOME sa Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa pagkalas ng pamahalaan ng Pilipinas o unilateral withdrawal ng bansa sa Rome Statute ng International Criminal Court dahil sa pagiging moot and academic.

“The latest High Court ruling, which is decided on mootness, acknowledges that the president is indeed the chief architect of this country’s foreign policy,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Dahil dito, nanawagan si Sec. Roque sa ICC na huwag nang mag-aksaya ng oras, panahon at resources sa pag-iimbestiga na hindi naman magtatagumpay lalo pa’t hindi naman nila kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.

“As well as in the face of uncontroverted proof that domestic legal and judicial processes are functioning normally in our country,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, unanimous ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa naging desisyon ni Pangulong Duterte na iatras ang membership ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC, nang walang pag-apruba ng Senado.  (CHRISTIAN  DALE)

215

Related posts

Leave a Comment