Iniwan ang serbisyo para maging crime group leader AWOL COP PATAY SA ENGKWENTRO

BATANGAS – Napatay ang isang AWOL na pulis at lider umano ng criminal group nang manlaban sa mga pulis noong Miyerkoles ng gabi sa Lipa City, sa lalawigang ito.

Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na si Anthony Cubos alyas “Big Boss”.

Nangyari ang insidente sa pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng Lipa City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Valenzuela City Police na armado ng warrant of arrest laban kay Cubos dahil sa pagiging mastermind umano sa pagpatay sa isang messenger ng isang kumpanya sa Valenzuela City noong Oktubre 2020.

Napatay umano si Cubos makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang tumatakas.

Base sa talaan ng pulisya, si Cubos ay kinikilalang lider ng Cubos criminal group na sangkot sa kidnapping, robbery extortion, gun for hire at illegal drug activities.

Kabilang din umano ito sa PRRD list at PNP national drug watch list ng mga drug pusher at protektor ng ilegal na droga sa bansa. (CYRILL QUILO)

150

Related posts

Leave a Comment