PANAHON na para paigtingin pa ng bawat isa ang minimum health standard para masiguro ang kinakailangang proteksiyon laban sa mas mabilis ngayong kumakalat na bagsik ng COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, kung makukumbinsi ka sa mathematical computation ng OCTA research ay talagang matatakot ka.
Subalit kung siya lamang aniya ang tatanungin ay ayaw niya na nga sanang tawaging minimum ang umiiral na health standard at sa halip, nangangailangan na aniya ito ng enhancement o upgrading.
At kung kailangang magdoble na ng face mask ay mas mabuti, ani Vega para lang makasigurong hindi malulusutan ng virus na sa nakalipas na mga araw ay napakataas ng naitatalang kinakapitan nito. (CHRISTIAN DALE)
