Arestado sa pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs’ (BOC) Port of Manila sa tulong ng Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng 3,100 pirasong ecstasy tablets sa Dau, Mabalacat, Pampanga.
At sa pamamagitan na rin ng tulong mula sa Customs Postal Office, CMEC-NAIA, CAIDTF at CIIS, isinagawa ang isang controlled delivery operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa claimant na si Agatha Lavadia Palen.
Nalantad ang claimant dahil sa authorization letter na siya ang tatanggap ng parcel na naglalaman ng droga na naka-consigned sa isang nagngangalang Zhyelle Marquez Ancheta.
Orihinal na idineklarang Orthopedic jelly shoes, flexible led mirror, dust buster, hand mixer, at birdhouse display ang bagahe.
At nang maberipika ay naglalaman pala talaga ito ng kabuuang 3,100 piraso ng ibat-ibang mga tablets ng ecstasy at tinatayang may halagang Php 5.270 Million.
Ang claimant ay nasa pangangalaga na ngayon ng PDEA at kasalukuyang isinasailalim sa kaukulang imbestigasyon para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Anti-illegal Drugs Act pati na rin ng Section 1400 of RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon kay POM District Collector Michael Angelo Vargas, ang operasyon na nagresulta nlsa pagkakahuli sa claimant ay bunga ng ‘good coordination, swift and decisive action’ na mandato ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Kasabay nito, tiniyak ni Vargas na ang Port of Manila ay mananatiling mahigpit sa pagpoproseso ng shipments para masigurong walang makalulusot na iligal na kontrabando sa kanilang nasasakupan.
Bukod dito, ang port collector ay nagbabala sa publiko na maging maingat sa pagki-claim ng bagahe lalo kung ito ay pagbibigay lamang ng pabor sa mga tinaguriang ‘unscrupulous individuals’ para makapag-smuggle ng illegal drugs sa bansa.
Kaugnay nito, ang Bureau ay nananatili sa kanilang pangako para sa suporta nila sa ‘war against drugs’ ng Duterte Administration. Ang Port of Manila ay matatag sa kanilang mandato para sa border security sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Guerrero.
148
