Bilang pagtupad ng Bureau of Customs’ (BOC) sa kanilang pangakong suporta sa Department of Education (DepEd), ang BOC-NAIA ay nagbigay ng mga educational gadgets at ibat-ibang school supplies bilang suporta sa Department’s Bridge Program.
Ang turn-over ng donasyon ay dinaluhan mismo nina DepEd Secretary Leonor M. Briones, DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua, Department of Finance Undersecretary Antonette Tionko, BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Deputy Commissioners, at Port of NAIA District Collector Carmelita M. Talusan.
Ang donasyon ay mula sa mga abandonadong kalakal na kinabibilangan ng flashdrives, cellphones, 74 V7 monitors, 50 Fuji Xerox Multifunction Printers, Laptops , Routers, 14 ZTE Pocket WIFI, Lenovo Tablet, Computer Monitors, school bags, educational books, at children school shoes.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Commissioner Guerrero na patuloy ang suporta ng BOC sa Department of Education.
“We understand the need of the students specially during this time that education is hindered by the threat of COVID-19. We will continue to support DepEd’s programs to provide quality education to our students” ani Guerrero.
Sa bahagi naman ni DepEd Secretary Briones ay nagpasalamat ito sa BOC para sa kanilang patuloy na suporta sa DepEd at sa Department’s Bridge and Distant Learning Program.
Ibinahagi pa niya na ang unang donasyon ng BOC kamakailan ay kinabibilangan ng mobile phones at laptops na naipadala na sa mga eskuwelahan sa mga malalayong lugar.
Sinabi naman ni Usec. Tionko na umaasa siya na ang devices at goods na kanilang donasyon sa Department of Education ay makatutulong na matugunan ang digital gap upang matiyak na patuloy ang Deped sa pagtataguyod ng kapakanan ng mag-aaral sa gitna ng COVID-19 pandemic na nararanasan ng bansa.
Kaugnay nito, ang BOC kasama na ang Port of NAIA ay mangunguna sa paggawa ng mga angkop na pamamaraan upang makatulong na makaagapay ang lahat sa epekto ng ng COVID-19 sa bansa. (Joel O. Amongo)
194
