MALABON MAYOR ORETA POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA nitong Martes ng hapon ni Malabon City Mayor Antolin Oreta na positive ang kanyang RT-PCR test sa COVID-19.

Nananatiling asymptomatic ang alkalde at gaganap sa kanyang mga tungkulin habang nasa bahay sa mga darating na araw.

Isinasagawa na ang contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng punong lungsod.

Hiniling ng kampo ni Oreta ang dasal para sa mabilis na paggaling ng lahat ng tinamaan ng virus.

Bukod dito, hinilling din sa lahat ang mahigpit na pagtalima sa safety protocols at pagtutulungan upang masugpo ang COVID-19. (ALAIN AJERO)

389

Related posts

Leave a Comment