9 nadagdag sa casualty CAMANAVA ACTIVE CASES HALOS 4K NA

MULING nakapagtala ng siyam na namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 23, at sumampa na sa 3,834 ang active cases.

Apat ang namatay sa Malabon City at 295 na ang COVID death toll.

Ayon sa City Health Department, 116 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 8,567 na ang positive cases sa siyudad, 920 dito ang active cases. Habang 111 ang gumaling at sa kabuuan ay 7,352 ang recovered patients.

Kinumpirma ni Malabon City Mayor Antolin Oreta na positive ang resulta ng kanyang RT-PCR test sa COVID-19.

Isinasagawa na ang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng punong-lungsod.

Dalawa naman ang patay sa Navotas dahil sa pandemya at lumobo sa 970 ang active cases matapos na 70 ang magpositibo at 39 lamang ang naitalang nakarekober.

Umabot na sa 7,421 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 6,230 na ang gumaling at 221 ang namatay.

Dalawa rin ang namatay dahil sa pandemya sa Valenzuela City at 734 na ang active cases habang 99 ang gumaling at 86 ang makarekober.

Umabot na sa 11,769 ang tinamaan ng COVID sa lungsod.  Sa bilang na ito ay 10,733 na ang gumaling at 302 ang namatay.

Isa naman ang patay sa Caloocan City at 1,222 na ang active COVID cases sa lungsod.  Pumanhik na sa 16,653 ang total confirmed cases sa siyudad, 15,004 na ang total recoveries at 527 ang total deaths. (ALAIN AJERO)

206

Related posts

Leave a Comment