PINAYAGAN na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang desisyon ng Archdiocese of Manila na ipatupad ang 10 porsyento ng seating capacity sa lahat ng mga simbahan sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa alkalde, ipinabatid ni Bishop Broderick Pabillo sa pastoral letter nito na walang mangyayaring religious activity sa labas ng simbahan, gaya ng senakulo, pabasa, prusisyon, motorcades at Visita Iglesia.
“Let the worshipers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing,” nakasaad pa sa pastoral letter ni Pabillo.
Sinabi pa ng alkalde, sa kabila na pumayag siya sa desisyon ng Manila Archdiocese, nanawagan siya sa mga Katoliko na sumunod sa basic health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagpapatupad ng physical distancing
Pinasalamatan naman ni Moreno ang simbahan dahil sa pagpayag na i- live ang kanilang misa via Facebook para makalahok ang mga Katoliko kahit nasa bahay lamang. (RENE CRISOSTOMO)
302
