CHA-CHA NI LORD DEAD NA – DEFENSOR

“VIRTUALLY dead” na ang Charter Change na itinutulak ni House Speaker Lord Allan Velasco at patungo na ito sa kanyang libingan.

Ito ang paglalarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na inakda ni Velasco para amyendahan ang mga economic provision sa 1987 Constitution matapos iatras ang unang plano na ipapasa ito bago ang Lenten break.

Naniniwala si Defensor na malaki ang kinalaman ng paglala pa ng COVID-19 pandemic dahil sa pagdami muli ng mga kaso nito sa bansa kung saan noong Huwebes, kasabay ng pag-adjourned ng Kamara ay nakapagtala ng mahigit 8,700 bagong kaso.

“Sensing public condemnation if he pushed for it amid rising coronavirus infection numbers, Speaker Velasco aborted the planned approval of his Cha-Cha resolution before the Lenten break,” ani Defensor.

Bukod dito, wala na rin umanong sapat na panahon ang Kongreso para pagtibayin ang economic Cha-Cha kahit muli itong isalang pagbalik ng mga ito sa trabaho sa Mayo 17.

Ipinaliwanag ng mambabatas na 3 linggo o 9 session days lang ang gugugulin ng Kongreso pagbalik ng mga ito sa trabaho dahil sa annual sine die o mandatory adjournment sa Hunyo 4.

“I don’t think the leadership will try to have the resolution passed during the nine-day sessions. Even if the House would approve it, the Senate would no longer have time for it,” ayon pa sa mambabatas.

Pagkatapos kasi aniya ng sine die adjournment ay Hulyo 26, 2021 na ang balik ng Kongreso para sa 3rd regular session ng 18th Congress at kailangang asikasuhin agad ang 2022 national budget.

“Then comes the period for the filing of certificates of candidacy for next year’s elections on Oct. 1-8. After that, lawmakers and the public in general would already be on campaign-election mode. Clearly, the pandemic and lack of time militate against the Speaker’s Charter amendment effort,” dagdag pa ni Defensor.

Dahil dito, dapat na aniyang kalimutan ni Velasco ang economic Cha-Cha sa halip ay pagtuunan na lamang ng pansin kung papaano makatutulong para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa. (BERNARD TAGUINOD)

238

Related posts

Leave a Comment