RAPIDO ni PATRICK TULFO MUKHANG mahihirapan ang Office of the Vice President na sanggain ang mga ebidensyang inilabas sa Senado ng auditor ng Commission on Audit (COA) sa pagdinig sa impeachment case kay VP Sara Duterte nitong Lunes (Aug. 3, 2026). Sa pangunguna ng kilalang abogado at prosecution counsel na si Atty. Lorna Kapunan, iniharap bilang testigo si COA-Intelligence and Confidential Funds Audit Office state auditor Roderick Wamil na inilatag ang paggasta ng OVP sa P125 milyon sa loob ng 11 araw. Wala raw dokumento o resibo ang mga pinaglaanan…
Read MoreDay: August 4, 2026
SENADO PINASOK NG MAGNANAKAW
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPUKAW ang atensyon ng mga netizen sa nangyaring nakawan daw dyan sa Senado. Pero tila hindi naman sila seryoso lalo pa’t dinog-show nila ang pangyayari. Bago ito, kinumpirma ng Pasay City Police na pinasok daw ng magnanakaw ang gusali. Ang malaking tanong ng bayan: Napasok na raw? Hindi ba matagal na? Kung tutuusin, medyo late na nga sa balita ang mga pulis. Taon-taon na kayang pumapasok ang iba’t ibang klase ng magnanakaw dyan—may naka-barong, may naka-polo, at mayroon ding mahuhusay mag-budol tuwing budget season. Kaya naman…
Read MoreDIPLOMATIC LANE NI DR. MANAOIS NG NAIA PAIRCARGO
On the Level Ni JUNEX DORONIO SA gitna ng kaliwa’t kanang reklamo sa burukrasya, may mga opisyal pa ring tahimik pero tuloy-tuloy ang paggawa ng tama. Isa na rito si Dr. Siegfred “Yeye” L. Manaois—isang pangalan na hindi man laging nasa headline, pero ramdam ang ambag sa likod ng maayos na galaw ng kalakalan. Kamakailan, inimbitahan siya ng Royal Norwegian Embassy sa Maynila, sa pangunguna ni Ambassador Kristian Netland, bilang resource speaker sa Seafood Stakeholders’ Workshop na ginanap sa SMX Mall of Asia, kasabay ng World Food Expo (WOFEX). Hindi…
Read MoreAMOY-SARIWA NA, LUNAS PA: TANGLAD PARA SA MALUSOG NA PAMAYANAN!
KAAGAPAY SA KAUNLARAN Ni Jun Villarica MGA kalalawigan at kasing-bayan, alam niyo ba na ang simpleng damo na paborito nating isahog sa tinola at litson manok ay may nakatagong “ginto” para sa ating kalusugan? Opo, ang tanglad o lemongrass ay hindi lang pampabango ng ulam, kundi isang powerhouse na halamang gamot na kayang-kayang puksain ang iba’t ibang karamdaman sa tiyan at katawan! Sa katunayan, kung isasalin natin sa ating katutubong wika ang mga nakasulat sa mga medikal na libro, ang tanglad ay isang subok na halamang gamot para sa mga…
Read MoreMANGINGISDA KINATAY NG TIYUHIN
DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang mangingisda makaraang pagtatagain ng kanyang tiyuhin sa Sipalay City, Negros Occidental. Kinilala ang biktimang si “Marijoe”, 44-anyos, habang ang suspek ay si “Roger”, 52-anyos, kapwa mangingisda ng Purok Calangcang, Brgy. 4, Sipalay City. Ayon sa ulat ng Sipalay City Police Station, noong Lunes ng hapon, Agosto 3, habang nakaupo sa kanyang pumpboat ang biktima kasama ang kapatid at anak nang dumating ang suspek. Bigla na lamang umanong sinaksak ng tiyuhin ang kanyang pamangkin sa likod at tiyan. Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang…
Read MoreTARGET SA DRUG BUST SA CAVITE MALL NAKATAKAS
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) PRO3 sa Cavite Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng isang pulang Toyota Innova na sinakyan ng isang target ng buy-bust operation makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa parking area ng isang kilalang mall sa Bacoor City, Cavite noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA PRO3 sa pamumuno ni IA I Richard T. Saure, sa parking area ng isang mall ngunit nang mapansin ng…
Read MoreZERO INCIDENT SA PAGSISIMULA NG BARMM ELECTION – PNP
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na wala pang naitalang election-related violent incidents nang magsimula ang election period noong Hulyo 16 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sinabi ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., 12 ang naaresto na lumabag sa gun ban dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng seguridad. Aniya, mahigpit ang koordinasyon ng PNP sa Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies. Nasa 9,463 mga pulis ang nai-deploy sa BARMM kabilang dito ang mga tauhan mula sa…
Read More20 PANG INDIBIDWAL INIIMBESTIGAHAN SA FLOOD CONTROL ANOMALIES SA CEBU
MAGSASAGAWA ang Department of Justice (DOJ) ng masusing imbestigasyon sa 20 indibidwal na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Cebu. Ito ay matapos silang kasuhan sa National Prosecution Service ng DOJ sa pamamagitan ng dalawang magkahiwalay na reklamo kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project. Sa isang biglaang press briefing, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na kabilang sa mga inirereklamo ang mga pribadong indibidwal at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Cebu 3rd District Engineering Office. Kabilang sa mga kasong isinampa…
Read MoreDOJ WALANG KUMPIRMASYON SA UMANO’Y PAG-ARESTO KAY ‘BATO’
HINDI kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na ulat na naaresto na umano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sa isang biglaang press briefing nitong Martes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na wala silang natatanggap na impormasyong nagpapatunay sa naturang ulat. “I cannot confirm that information. Wala kaming natatanggap na nangyari ‘yan,” ani Martinez. Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyon. Huli siyang nakita sa publiko noong madaling araw…
Read More