7 PA PATAY SA CALOOCAN, MALABON

TATLO pa ang nadagdag na namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at apat naman sa Malabon City noong Marso 28.

Umakyat na sa 117,352 ang confirmed cases sa Caloocan, kung saan 15,699 na ang gumaling, 1,115 ang active cases at 538 ang death toll.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, 47 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa at sa kabuuan ay 9,072 na ang positive cases, sa bilang na ito ay 1,061 ang active cases.

Habang 74 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,697 na ang recovered patients ng lungsod at 314 ang death toll.

Sa Navotas, maagang pumunta sa San Jose Academy ang mga senior citizen para sa kanilang COVID-19 vaccine. Nasa 200 ang inaasahang seniors na magpapabakuna ng AstraZeneca.

Alinsunod sa panuntunan ng Department of Health, “by age” ang prioritization ng mga senior citizen kaya kung sino ang pinakamatanda, sila ang uunahin.

Ayon sa pamahalaang lungsod, tuluy-tuloy ang registration para sa NavoBakuna COVID-19 vaccination sa http://covax.navotas.gov.ph/ habang ang nahihirapang mag-register online o walang internet/gadget, ay maaaring pumunta sa inyong barangay o barangay health center.

Nagpaalala naman ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela na simula nitong Lunes ay muling sumailalim sa enhance community quarantine ang buong Metro Manila, kabilang ang Valenzuela City, at ipinagbabawal ang paglabas ng tahanan maliban na lang kung isang essential worker o Authorized Person Outside Residence (APOR).

Dagdag pa nito, ugaliing dalhin ang ID o certificate of employment pati ang #ValTrace QR Code tuwing lalabas ng tahanan. (ALAIN AJERO)

147

Related posts

Leave a Comment